Copyright ©2026 LOVE RADIO
Panawagan na mag-ipon ng tubig gamit ang balde, tinawanan na lang ng ilang netizens
Panawagan na mag-ipon ng tubig gamit ang balde, tinawanan na lang ng ilang netizens
October 17, 2026

Sa gitna ng mga babala tungkol sa Super El Niño, inirekomenda ng Pangulo sa mga pamilyang Pilipino na mag-imbak ng tubig-ulan gamit ang simpleng balde. Dagdag pa niya, tuturuan at bibigyan daw ng filtration kits ang publiko mula sa gobyerno upang maging malinis at ligtas na inumin o gamitin ang nakolektang tubig-ulan.

Pero nagbabadya man ang kakulangan sa tubig dahil sa Super El Niño, hindi magkukulang ang kakulitan at kalikutan ng utak ng mga Pinoy. Bumuhos ang mga samu’t saring reaksyon mula sa mga netizens, may mga gumawa ng memes tulad na lang ng Siete Animation na isang sikat na animator na gumawa ng isang comic strip kung paano magagamit ang balde para mapigilan ang init na dala ng Super El Niño.

advertisement

May mga nakakalurkei na comment pa nga ang ilang Kabisyo natin na baka naman daw magselos at magtampo pa ang ibang containers tulad ng ‘bat s’ya’ at ‘walanggana’ na mga hugot memes mula sa batya at palanggana. Meron ding isang Kabisyo natin na gumawa ng sariling brand ng balde na kung tawagin niya ay “Balde V-1" na sobrang special raw nito at galing pa mismo sa ibang bansa.

Bagamat may mga palitan ng pananaw at debate, muling napatunayan ng mga Pilipino na walang anumang krisis—tagtuyot man o baha—ang makakatalo sa ating positibong pananaw sa buhay. Ang paggawa ng memes at pakikipag-kulitan ay hindi nangangahulugang nakakalimutan natin ang seryosong aspeto ng usapin, kundi ito ang ating paraan para gumaan ang anumang sitwasyon.

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila
Loading...