advertisement
Pero s’yempre, hindi rin mawawala ang mga wholesome na sagot. Para sa ilan, ang pinakagusto nilang gawin kung huling 24 oras na nila sa mundo ay ang makasama at mayakap ang kanilang mga mahal sa buhay.
Ikaw, kung totoong 24 hours na lang ang natitira, ano ang una mong gagawin? Magbabakasyon ba, mag-foo-food trip, mag-co-confess sa crush, o gagawa ng baby tulad ni Kim Chino? Alamin ang mga nakakatawa, walang preno, at sobrang relatabhle na sagot ng ilan sa ating mga Kabisyo. Panoorin ang full video sa aming YouTube channel!
Kim Chino, naghahanap na ng aanakan bago ang End of the World sa November 13, 2026
May kumakalat na naman na usap-usapan online—magtatapos na raw ang mundo sa November 13, 2026! Parang kailan lang, pinag-uusapan din ang ganitong mga prediksyon noong 2012. Ngayon, may panibagong petsa na naman na pinagkakaguluhan ang netizens!
Pero imbes na mataranta, may mga taong ginawang katatawanan ang posibilidad na ito. Ang ilan, balak daw i-max out ang kanilang credit cards habang may oras pa. May iba namang gustong kumain ng lahat ng paborito nilang pagkain, habang ang iba, gusto munang hanapin kung sino ang nagpakalat ng balitang ito!
