Inihayag ng Digital Marketing Association of the Philippines (DMAP) ang first batch ng international keynote speakers, conference tracks, at bagong partnership opportunities para sa DigiCon 2026 sa ginanap na press conference noong August 10.
May tema itong “Interoperability: Welcome to the Age of Collaboration,” na nakatuon sa kung paano pwedeng magtulungan ang brands, agencies, platforms, creators, at innovators habang patuloy na nagbabago ang digital marketing landscape. Ayon kay DMAP Vice President for Internal Affairs at Board Trustee Kit Ramos Disini, mahalaga ang DigiCon bilang venue para magsama-sama ang iba't ibang bahagi ng marketing industry. “The pace of change in marketing has never been faster, and no one organization has all the answers. DigiCon exists to create the space where brands, agencies, platforms, creators, and innovators can learn from one another and build the future together.”
advertisement
Sa Innovation track, tampok ang human at machine collaboration, habang tututukan ng Integrated ang pagbasag sa traditional boundaries sa pagitan ng iba't ibang industriya at disciplines. Sa Immersive naman, pag-uusapan ang pagbuo ng seamless experiences, habang nakasentro ang Impact sa paglikha ng collaborative cultures. Ang Interactive track naman ay magbibigay-diin sa paglikha, paglalaro, at pakikipagtulungan. Kabilang sa mga bagong pangalan sa lineup ang Droga5 Tokyo Chief Creative Officer Masaya Asai, IMPACT BBDO's Ali Rez, at L'Oréal Philippines' Yassine Bakkari. Mayroon ding first-ever UP vs. ADMU Debate sa kasaysayan ng DigiCon, na bahagi ng Integrated track. Hindi rin limitado sa keynote sessions at panel discussions ang magiging experience ng delegates. Magkakaroon kasi ng networking sessions sa community stage, hands-on workshops, at immersive brand activations para mas maraming pagkakataon ang attendees na matuto, makipag-connect, at makipag-collaborate.
Bukod sa iba't ibang session formats, magkakaroon din ng live debate at mas maraming pagkakataon para sa delegates na makinig sa iba't ibang perspectives at makipagpalitan ng ideas sa mga kapwa industry professionals. Isa sa mga bagong itatampok ngayong taon ang DigiConX, isang nationwide expansion ng DigiCon. Bago ang main conference, magkakaroon ng satellite pop-ups sa Luzon, Visayas, at Mindanao sa pakikipagtulungan sa iba't ibang organizations, schools, at brands. Magkakaroon dito ng talks, panels, at learning sessions na layong ilapit ang mahahalagang industry conversations sa local communities. Ayon sa DMAP, higit pa sa isang roadshow ang DigiConX dahil layunin nitong bigyan ng pagkakataon ang local communities na makipag-connect, makipag-collaborate, at maging bahagi ng paghubog sa future ng digital marketing.
Isa pang highlight ang Next Monday, isang special panel discussion sa October 16 na magsasama-sama sa leaders ng mga pangunahing marketing, advertising, at communications organizations sa bansa. Kabilang dito sina DMAP President Miko David, 4As Chairman Ronald Barreiro, Ad Standards Council Executive Director Robbie Aligada, at PRSP President Ana Pista. Imo-moderate ito ni Shayne Madamba, Managing Director ng IdeasXMachina Hakuhodo at DigiCon 2026 Co-Chair, para talakayin kung paano maisasalin sa konkretong aksyon sa kani-kanilang industriya ang mga insights mula sa conference.
Sa kabuuan, inaasahang dadalo ang mahigit 2,000 marketers, creatives, technologists, business leaders, at innovators sa ika-11 edition ng DigiCon. Sa pagtatapos ng press conference, inilunsad din ang bagong DigiCon website at inanunsyo ang sponsorship at partnership opportunities. Gaganapin ang DigiCon 2026 sa October 15–16, 2026, sa Grand Ballroom ng Manila Marriott Hotel. Para sa tickets, speaker reveals, announcements, at iba pang event updates, maaaring bisitahin ang official DigiCon website at social media channels. Para naman sa mga interested sa sponsorships at partnerships, maaaring makipag-ugnayan sa DigiCon team sa digicon@futureproof.ph.
